Finally! Magkakaroon na ulet ng direksyon ang buhay ko! Thanks to an article my mom gave me about the Foreign Service Officer examinations. Sa totoo lang sobrang hindi ko pinlanong karirin ang pagiging FSO pero after reading it, nachallenge ako! Biro mo, from almost a thousand aspiring FSOs, 20 lang ang matitira! Grabeng rigorous di ba? Good luck sa ken. Shemayz. Oh well. There’s no harm in trying, di ba? And malay natin, makapasa. (Wehehe~ Asa pa!) So bale, eto na ang plano ko ngayon. Start ako ng MA French Translation this sem and since wala pa akong work ngayong sem, I’ll start reviewing myself for the FSO i.e. studying about international relations using Miriam Defensor-Santiago’s book on the matter, reading Time, the Economist and Newsweek, etc, etc. And then next sem, para naman di ako masyadong palamunin, magaapply na ako as prof/instructor ng French or Spanish sa UP. (Sana matanggap ako!) Kung matanggap, astig, libre na ang tuition ko. Then while juggling studying for my MA, reviewing for the FSO exams and teaching, sana may time pa ako sa RO. Bwehehe~ Hindi pwedeng mawala yun!
Kahapon lang kami natapos mag-enrol. Grabe, first sem pa lang ng MA ko, meron na agad akong 299 i.e. theory part ng MA thesis. Add to that na si Madame Chan ang prof, isa sa mga pinaka-exigeante na profs a buong kamunduhan ng EL. Waa~ Good luck ulet sa kin. The good part is napilit ko si Nikki na lumipat ng program. Gusto nya kasi Lit para walang thesis e tapos nung tinanong naming si Ma’am Zapata kung totoo yun, me thesis din daw for that. Nyahaha~ Plus me comprehensive exam pa! E de syempre napaisip si Nikki at nakumbinsi ko syang mag-translation program na lang. The other subject I’ll be taking is Français 280 na ang course description ay… *fanfare please* Français Langue Etrangère or in English, French as a Foreign Language. Bwekekeke~ Ano kaya pag-aaralan namin dun? A basta. Astig naman daw yung prof eh. Kaya… astig! Another good thing about yesterday, nakita ko ID ko! Bwekekekek~ Nakakahiya, nakadisplay pa talaga sa office ng CAL. Pero nakakatawa. Jinoke pa ako nung employee dun na hindi daw sakin yung ID kasi di ko daw kamukha! Wahahaha~ Mukha pa daw ako inosente dun eh!
Matagal ko na dapat kinwento to pero ngayon pa lang. Wala akong excuse. Tamad lang ako. Napanood ko na ang Star Wars. Nyahaha~ Tagal na yun ah! Oh well, might as well write about it kahit late. Huli man daw at magaling… huli pa rin! Wahehehe~ Churi, churi. So eto po ang masasabi ko sa Star Wars. Astig sya!! Me problema lang talaga ako dun sa mga transition scenes. Grabe ang chakaness!! Bakit pa ba nila ginanun yun! Ang panget tuloy. Naalala ko tuloy yung isang movieng pinanood ko dati pa na artista si John Travolta. Parang ganon yung mga transition scenes. Argh. Pweh. Anyway, enough with that. Yun lang naman yung problem ko eh. Hehe~ Aside from that ok naman ang Star Wars. Fave scene ko yung: “I don’t know you anymore. You’ve changed.” Grabe. Ultimate breakup line. Wehehe~ Pero grabeness ang acting ni Ate Natalie. Nakakatouch. She really tugged (hindi lang tugged, forcibly pulled) at my heartstrings talaga!. Muntik na nga ako maiyak eh. Echos! Basta ayun.
French month this June and as usual, meron ulet French Film Festival with two very glaring differences from the first ones: hindi na sila ipapalabas sa Ortigas area and may bayad na sya. (Actually, di ko maalala kung me bayad yung mga dati o wala on the account na never pa ako nagbayad ng sarili kong ticket sa mga sinehan. Bwehehe~) Sa Greenbelt na ang French Film Fest and 50 pesos ang bayad dito. So far, isa pa lang ang napapanood ko which is Le Poulpe. Okay naman yung film at thankfully, hindi sya art film. Medyo bad trip nga nung pinanood naming to nung Monday. Paano ba naman, hindi yun yung expected ko na ipapalabas. Yung gusto ko talagang panoorin ay yung L’affaire Marcorelle na mukhang maganda ang blurb/synopsis. Plus, sumakit ang tyan ko katatakbo sa Greenbelt right after kumain. Buti na lang onion rings lang kinain ko. Oh well, sana mapanood ko yung gusto ko talagang panoorin.
Nag-aaral ako mag Japanese mag-isa all for my Miyasama who is so obsessed with Japan! Sana matuto ako agad. (Asa pa!) So far, ang alam ko pa lang ay mga survival phrases. Yun bang mga fixed na phrases na. Hindi ko alam kung paano sila na-form etc. etc. I’m planning on studying Hiragana tomorrow. (a, I, u, e, o, sa, si, su, se, so ehehe~) Trish! Nasan ka ba?! Paturo naman ng Jap o.
Pinakilala ni Ebet sa kin friend nya through YM ngayon. Grabe ang kuleet! Mas makulit pa sa akin! Himala yun in itself ha. Kung gusto nyo rin sya makilala, punta kayo sa blog nya: http://kuchikuchikoo.blogdrive.com/. Hehe~ Helen, kung binabasa mo ‘to ngayon, eto lang ang masasabi ko… CHICKEN!! :P
Nung Sat nga pala, nagpunta kami sa RPC sa Megamall. Medyo bad trip kasi hindi ako nakasali dun sa contest. Nasayang tuloy ang ginawa ko. Oh well. There’s always another contest. Astig yung mga guild na naglaban. Dapat nga me Chat and Play na guild kaya lang walang dumating eh. Sayangness. PInipilit ako nina EJ sumali dun sa commentator contest. Ayoko nga! Ang hirap sundan ng mga match kasi yung mga emblem nila parehong-pareho. Number lang magkaiba. Dalawang match lang napanood ko. Astig yung guild na me pangalang Sugo ni Bangokngok. Naaliw ako sa kanila. Hehe~ Yun ata yung me crusader na sobrang hirap patumbahin. Me nakausap rin akong GMs, si GM Sachiko and si GM Odine para pumunta sa kasal namin (Para mas malakas ang mga masummon na monsters sa reception. Eto talaga ang motive ko. Bwehehe~). Well, mabait si Sachiko, kinakausap nya ako nang maayos. Si Odine hindi masyado. Sabi ni Sachiko magpub daw ako sa GM Square. Hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa. Ehehe~
Hay… Dami ko nasulat ah. First post ko ‘to na Tagalog (Taglish actually) and eto ang pinakamahaba so far. Milestone!
08 juin 2005
The long and winding... post! :P
=^_^=
Zarah
à
18:15
Inscription à :
Publier les commentaires (Atom)
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire