Last Friday, nanood kami ni Ebet ng French Film ulet. Ang title nya ay Garde à Vue. Okay naman sya. Typical French film na dialogue extensive and centric. Pagkatapos pinag-isipan namin kung papanoorin namin yung susunod na French film. And then, surprise, surprise! Nakita namin si DG and Jessica (mga classmates namin sa PCC). As expected, medyo shocked sila na makita kami. (Hay... napakaunexciting ko naman magkwento. Ang sakit kasi ng ulo ko eh. Nakakatatlong paracetamol na ako, hindi pa rin umeepekto.) Anyway, on with the story. Napag-isipan namin na wag na lang manood nung susunod na film kasi matatagalan kami at mahihirapang umuwi kasi sa Mandaluyong ako uuwi at hindi sa Taguig plus, wala siya dalang transpo dahil galing syang Cavite. So he decided na magpasundo sa kuya niya who fortunately was, at that time, in Robinson's Galleria but unfortunately, would be watching a Mr. and Mrs. Smith. We decided to pass the time. So while passing through Greenbelt 3, and viewing the French photography exhibit (Astig sila! Mukha silang mga impressionist paintings!), and looking for the flight simulator (Na hindi namin nakita dahil closed pala ang Worlds of Fun), we found this exhibit of Asian cartoonists whose aim was to portray the meaning of life. It was nice. At the same time, I was able to practice my Hiragana. (Kabisado ko na hanggang ta, ti, tu, te, to!!) Then we made tambay sa me fountain drinking a coffee-based frap (Yummier than the cream-based one.) talking about the past, the present and the future, but mostly about the past. 1230, sabi ko sa kanya, tawagan na nya si Kuya Luwi kasi it's getting late. Sabi ni Kuya Luwi sa kanya, hindi na niya kami masusundo. (HUWAT!!) Nagtaxi kami pauwi sa bahay nila and from there, kumuha ng car tapos hinatid na niya ako sa house. I got home at 3 AM. (Milestone!)
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire