Google
 

26 juin 2005

Ragnafest 2005

The event was everything that I imagined and more!

Aya, Vin and me, arrived at the venue at past ten. There was a long line of people waiting to get in. Seeing that the line was so long, we created a new line. Ehehe~ Effective naman siya dahil nakapasok kami agad. Pati yung mga lines for getting your ticket validated and getting your passport slash name tag, nag-cut kami sa linya. Ebul…!

First thing we saw when we got in was three panels of freedom boards. So, nagvandal muna kami at napansing andun na sina Zaira, Godspeed, Drin, etc. So naisipan ni Aya na hanapin muna sila. Sasamahan sana naming si Aya pero may nakita ako… Sumo Poring!!

I got to dress up as an Archangeling and sumo wrestled with Vin who was dressed up as an Angeling. I pwned him! Wahahaha~ Ang saya na nga nang nakacostume, nakakapangbalya ka pa! Sayang, hindi all-out ang laban namin ni Vin. Mas masaya sana kung umiikot-ikot kami with matching talon-talon and gulong-gulong. Nanalo ako ng Deviruchi Hat, hindi in-game ah, IRL. Wakocokes~

Eto yung Devi Hat ko. Ehehe~


Pagkatapos naming gawin yun, pumila naman kami dun sa ___. May babatuhin kang mga monsters to win stuffed porings, button/pins, stickers, etc. Awa ng Diyos, wala akong natamaan. Asintado talaga ako. Ehehe~ Nakakuha ako ng pin, si Aya, stuffed poring at si Vin naman, pamaypay.

Gutom na kami nun kaya naisipan naming kumain muna. E ang mamahal ng mga pagkain sa loob. So lumabas kami at naghanap ng carinderia. Sarap ng adobo dun. Sabay order si Aya, “Isang Royal nga po na Pop.” Sabi naman nung mama, “1.5 na litro?” Wehehe~ Pagkatapos kumain bumalik na kami sa WTC.

Naabutan naming nagpeperform ang SVC. Niyaya ko silang umupo. Si Aya, naglibot-libot kaya kaming dalawa lang ni Vin ang nandun at nag-enjoy sa performance. Habang nanonood nagkekwento si Vin tungkol sa banda niya. Sana mabuo sila ulet at sumikat. ^_^

Dumating na sina EJ at Liezl. Lingon-lingon sila at tingin sa malayo. Ako naman nakasuot ng Deviruchi Hat sa harap nila at ginagalaw-galaw ang ulo ko para mapansin nila. Matagal-tagal ko rin yung ginawa saka lang nila ko napansin. Nagulat sila sa itsura ko. Ehehe~ Kala pala nila in-game yung napanalunan ko.

Nakita rin ni Aya sa wakas sina Drin and iba pang Armageddon. Nameet namin sina Jeff, Gima and girlfriend (di lang naming sure kung yun si Unsanctified), Emokidd, and Kyoske. Tapos nagsidatingan naman ang mga Forbidden Rebirth. Nameet naming sina Snake Eyes, Zaira (na malaking mama), Merciful, Det, Stan, at marami pa. Lahat sila, hinamon ko ng Sumo Poring! Lahat umayaw. Natakot sakin. Wahahaha~ Tapos nagyaya si Jeff na mag-Tagaytay. Pumayag naman kami.

Mahaba-habang biyahe rin yun. Pagdating sa Tagaytay, nanlibre si Jeff ng bulalo at pagkatapos nun tumambay kami sa Picnic Grove. Nakakatuwa sina Jeff dahil ang kukulit nila tapos siyempre, magpapahuli ba naman ako? Nakikipagsabayan ako siyempre sa kulitan nila! Para bang Storm Gust lang sila tapos ako Extremity Fist sa kakulitan. (Description ito ni EJ kung gaano ako kakulit…) Magaalas-nuwebe na kaya nagyaya na kami ni EJ umuwi. (Siyempre pa di kami nagpaalam na pupunta kaming Tagaytay. Bakit pa, di ba? E, sigurado namang di kami papayagan.)

Pauwi, nakatulog kami. Si Drin ilang beses na nauuntog, di pa rin nagigising. Ako naman, medyo hindi comfortable matulog nang nasa gitna ng dalawang headrest ang ulo. Pero nakatulog pa rin naman.

At ayun. Nakarating rin sa bahay sa wakas. Pinapasok namin sila lahat sa bahay para di kami pagalitan. Pinainom ng tubig at pinaweewee (yung mga naweeweewee lang ha, hindi naman sapilitan). Nakicharge nang konti si Drin. Pagbukas ko ng cellphone niya natawa ako. Eto kasi ang welcome note: “Endless Love 7-11-00”. Hehe~ Si Drin talaga, kakaiba ma-inlove. Bago sila umalis, binigay ko kay Jeff yung real-life emoticons na /ok at /omg. Tuwang-tuwa kasi siya dun. At siyempre, natutuwa rin naman ako sa kanya.

Hay, what a day. Sayang, di na ako makakapunta ngayon…

Aucun commentaire: