Google
 

27 mars 2006

Hay nako talaga ~_~

Kanina ko pa hinihintay si Jeff.
Kakatawag lang nya.
Sabi nya bumalik daw sila sa Laguna.
Kasama daw niya sina Drin at Jethro.
Tinanong ko kung bakit.
Ang sabi lang, kasi me sasabihin lang daw.
Anu ba yon?
Ang wirdo.
Syempre marami ako tanong.
At naiinis ako dahil ngayon lang tumawag.
Kanina ko pa sya hinahanap alas syete.
Sya pa me ganang mairita sa mga tanong ko.
Ngayon nagpapahintay siya.
Hintayin ko daw siya dumating sa bahay at kwento daw nya lahat ng nangyari.
Ampota naman.
Nakakainis talaga!

---

Alam mo kung ano pang mas nakakainis?
Dala naman pala nya yung cellphone na Globe tapos hindi man lang tumatawag or nagtetext man lang.
Alam mo reason?
Hindi daw nya kasi alam na me load!
Anu ba yon?
Anong klaseng alibi yun?

To think na nag-alala pa ako.
Hay nako! Nakakainis talaga!

Aucun commentaire: