Google
 

21 juin 2005

Our Wedding

The 18th of June started okay. It was my first day for Francais 299, it is a course I'm taking in preparation for making a thesis (First year pa lang thesis na?). At 10 am, we were allowed to go na. I was expecting Ebet to pick me up from class. Naghintay ako sa kanya na tumawag para iconfirm kung susunduin nga niya ako o hindi, pero hindi siya tumatawag. Medyo kabado na ako nung 11 na, kasi nga baka kami pa ma-late sa sarili naming wedding di ba? So ayun, naisipan kong makihiram muna ng cellphone kay Nikki. Buti na lang tumawag si Ebet sa phone ni Nikki at ayun na nga nagkausap na kami.

Hindi pala niya ako masusundo. Tinanong ko siya kung sa bahay ba nila ako pupunta and where niya balak magmeet. Sabi niya Jollibee Pasig na lang. So ayun. Nagcommute ako. And then, dumating ako dun ng mga 12.

At naghintay.

(Grabe naman si Ebet, naunahan ko pa dumating dito. Mas malapit naman siya.)

At naghintay.

(Potek, sana kanina pa akong 10 umalis sa UP.)

At naghintay.

(Kasal na lang, late pa! Pano kaya kung rl to?)

At naghintay.

Dumating na siya.

Tara na, san ba tayo maglalaro?

Nagpunta kami sa isang shop na malapit lang dun. Nangungulit na sina EJ sa phone. Nagtetext na. At ayun na nga pagkalogin, panic mode.

Ayan, mga dead branches hawakan mo, bigyan mo si EJ, Liezl and Aya. Leave ka sa guild mo. Aya, sali mo si Ebet sa Arma. Tara punta na tayo sa simbahan.

Pagdating sa simbahan, ayan, medyo madami-dami na ring tao. Tapos ayun kinausap na namin yung wedding planner something na NPC. Nagkaproblem. May mali pala kami ginagawa. Imbes na i-type yung sarili naming name, name ng spouse natatype. Ayan ang napapala ng hindi nagbabasa. Tapos ayun, finally, kinasal na kami ni King Tristan.

Here are some of our pix sa Church:

Wedding Pictures!!

In Prontera Church




At The Reception

Nagwarp agad si EJ sa Prontera Left Garden right after nung kasal. Sabi ni Ebet, "Sayang, sana nagparade tayo sa Prontera." Pagdating dun, summon agad. First ko nasummon Tirfing. Patay agad ako. Wakokoness~

Here are some of the pix sa reception.













After the wedding gown and tuxedo disappeared, after the round-the-Kingdom-of-Rune-Midgard honeymoon, I asked him kung magsisiege kami. Sabi nya wala na daw sya pera so umuwi na kami.

Papunta sa sakayan, naalala ko. "Wah. Nakalimutan natin iupload yung screenies!" Kaya ayun, yan lang tuloy ang wedding pix namin. (Maraming salamat sa mga RBers!)

Maraming salamat sa mga umattend ng wedding namin!!

Sa mga Ragnaboarders na gumawa pa ng novice sa Fenrir para lang makaatend.

Kay Aya, EJ and Liezl, sa pagtulong sa aking bumili ng dead branches. (Lalo na kay EJ.)

Sa lahat ng nagbalak umattend pero di nakapunta. It's the thought that counts!

Salamat po talaga! =^_^=

Aucun commentaire: