Google
 

05 mai 2005

Chicksilog

Magdamag nag-aabang
Maglalaro kaya
Ang dalagang nagtatago
Sa alyas na Maldita
Sa dating tagpuan
Sa bayan ng Prontera
Sa tabi ng tindahan
Ng magic at sandata

Nung minsan nga ay
Nag-alay ka pa ng buhay mo
Nang kinalaban natin
Ang mga bagong dayo
Natalo nga sila
At nagyaya kang magsaya
Tanging hinihintay
Ang makita ka

Alas dos nung linggo (sa Gotesco)
Nagpolo pa ako (at nagpabango)
Nananabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (nang makita ka)

Chicksilog
Ako ay nahulog
Nilinlang, niloko
Alam ko nang sikreto mo

Chicksilog
Ako ay nahulog
Nilinlang, niloko
Alam ko nang siikreto mo
Walang saysay mag-level up
Pagkat siya ay nasira na
Ang inipong lakas
Naglahong parang bula

Kaya pala
Ang husay mo sa espada
Si Maldita ay lalake pala

Alas dos nung linggo (sa gotesco)
Nagpolo pa ako (at nagpabango)
Nananabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (nang makita ka)

Chicksilog
Ako ay nahulog
Nilinlang, niloko
Alam ko nang siikreto mo
Chicksilog
Ako ay nahulog
Nilinlang, niloko
Alam ko nang sikreto mo

Aucun commentaire: